“Lucky car” ng isang senador nasunog sa Edsa

Photo: Sen. JV Ejercito

Nadamay ang dalawang sasakyan ni Senador Joseph Victor Ejercito sa sumiklab na sunog sa isang auto shop sa Edsa, Lunes ng umaga.

Gamit ang Twitter, inihayag ni Ejercito ang pagkalungkot dahil kabilang sa mga nasunog sa AutoPlus sa Connecticut, Greenhills ang kaniyang Toyota Sequoia.

Aniya, sampung taon na niya itong ginagamit at itinuturing niya ito bilang “lucky” car.

Maliban sa nasabing sasakyan, nasunog din ang Ford Everest ni Ejercito sa sunog.

Si Ejercito ay tumatakbo bilang senador sa 2019 midterm elections.

Read more...