Kasado na ang gagawing dredging operation ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitation plan dito.
Isang amphibious excavator na rin ang inihahanda ng DPWH para sa nasabing paghuhukay.
Nauna dito ay nilagyan na ng bagod ang kabuuan ng baywalk area para hindi na makapunta sa gilid ng dagat ang ilang mga tao na gustong magpakuha ng litrato at mag-swimming.
Sa kanilang advisory, sinabi ng DPWH na nagsagawa na sila ng “bathymetric” o pagsusukat ng lalim ng Manila Bay pati na rins a ilog ng Navotas City.
Ito umano ang kanilang magiging guide sa kung gaano kalalim ang dapat na gawin sa Manila Bay.
Magsasagawa rin ng hiwalay na dredging operations ang DPWH sa Estero de Vitas sa Tondo at sa Navotas river habang naka-sentro naman ang kanilang unang operasyon sa pagitan ng Manila Yatch Club at US Embassy na bahagi ng lawa ng Maynila.
Sa mga susunod na araw ay papayagan pa rin na magsagawa ng paglilinis sa paligid nito ang ilang mga volunteers na nagsimula sa kanilang lingguhang gawain kamakailan.