Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sanay na ang palasyo sa kabalbalan at kasinungalingan ni Trillanes.
Kaya aniya nagtungo ang pangulo dahil nag request ang anak na si Kitty na magtungo doon at selebreasyon na rin sa birthday ni Ginang Honeylet Avanceña.
Kung sakali man aniyang nagpagamot at pumasok sa ospital ang pangulo sa Hong Kong, tiyak na hindi ito maitatago sa publiko lalo’t maraming Filipino ang nagtatrabaho roon.
Una rito, sinabi ni dating Senador Kit Tatad na may sakit sa kidney at may cancer ang pangulo, bagay na pinabubulaanan ng punong ehekutibo.