Maayos na pagpapatupad ng Rice Tariffication Law iginiit ni Speaker GMA

Ipinasisiguro si House Speaker Gloria Arroyo sa pamahalaan para sa maayos na implementasyon ng Rice Tariffication Act na nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong Biyernes.

Ayon kay Speaker GMA, nais niyang matiyak na ipatutupad ang import restrictions na nakapaloob sa batas upang matiyak na hindi ito makakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at local rice sector.

Dapat aniyang masiguro na magbebenepisyo ang lahat sa oras na maipatupad na ang batas.

Naniniwala ang kongresista na makakatulong ang batas para mapababa ang inflation na lubhang nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mahihirap.

Sa ilalim nito, luluwagan ang pag-i-import ng bigas at magpapataw ng 35% na buwis sa mga rice imports mula sa ASEAN countries.

Magkakaroon din ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung saan 10% sa P10 Billion alokasyon para dito o P1 Billion ay ilalaan sa mga magsasaka at kooperatiba para magamit sa financing facilities, pagpapataas ng skills ng mga local farmers at produksyon gamit ang makabagong paraan ng pagsasaka.

Read more...