Gusali sa EDSA-Mandaluyong SB nasunog

Tinupok ng apoy ang isang gusali sa EDSA Southbound, Barangay Wack-Wack sa Mandaluyong City.

Isang commercial building ang tinupok ng apoy sa southbound lane bago dumating sa bahagi ng Ortigas Business District.

Ang nasabing sunog ay nagdulot ng matinding traffic sa EDSA southbound dahil sa mga rumespondeng truck ng bumbero.

May madamay ding delivery vans sa naganap na sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang fire out alas 12:38 ng tanghali.

Read more...