Ayon kay Barbers nakakaalarma na maaaring ginagawang tapunan ng foreign at local drug syndicates ng ilegal na droga ang mga naturang probinsya.
Ikinababahala rin niya na posibleng may kinalaman ito sa narco politics lalo’t natagpuan ang droga sa gitna ng election period.
Dagdag pa ni Barbers, hindi na lingid sa kaalaman na may mga pulitiko mula sa Surigao na sangkot sa illegal drugs operations at mas pinaiigting pa ang aktibidad para magamit sa halalan.
Dahil dito, umapela siya kina PNP Chief Oscar Albayalde at PDEA Director General Aaron Aquino na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga nagtapon ng cocaine sa dagat, anong barko o bangka ang ginamit at sino ang recipient ng kargamento.
Magugunitang na nasa pitumpu’t pitong bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng 500 million pesos ang nabingwit sa Dinagat Islands at inanod sa dalampasigan ng Siargao Island.