Ito ay para hindi na aniya nagpapaulit-ulit kada eleksyon ang mga paglabag ng mga kandidato.
Malinaw ani Marahomsalic ang batas sa eleksyon pero ang problema ay hindi naipatutupad ng tama kaya patuloy na nadagdagan ang mga paglabag sa halalan.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila, sinabi naman ni Breeza Rosales, Junior Project Director ng LENTE, naniniwala siyang seryoso ang Commission on Elections sa kanilang ginagawang pagpapatupad ng batas.
Samantala, ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay magsisimula nang mag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para tumulong sa pagbaklas ng mga poster at tarpaulin na nasa bawal na lugar.