Kabilang sa tinitignang motibo ng pulisya sa pananambang sa isang negosyante sa EDSA noong Linggo ay may kaugnayan sa negosyo.
Ayon kay Sr. Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong City policem maraming hinahawakang negosyo ang biktimang si Jose Luis Yulo.
Nakatakda aniyang makipag-ugnayan ang mga otoridad sa mga naulila ni Yulo bilang bahagi ng imbestgasyon.
Sa panayam naman ng Radyo Inquirer, aminado si National Capital Region Police Office chief, Dir. Guillermo Eleazar na sa kabila ng pagtutok ng pulisya sa crime prevention ay may mga nakalulusot pa ring krimen gaya ng nangyaring ambush sa grupo ni Yulo na sa EDSA at broad daylight naganap.
Pero ani Eleazar malaki na ang ibinaba ng krimen sa Metro Manila na ang suspek ay mga riding-in-tandem.
Katunayan ani Eleazar, nuong 2018 ang mga krimen na may kaugnayan sa riding-in-tandem ay mahigit 60 percent ang ibinaba kumpara noong 2017.
Ito ay dahil aniya sa pinaigting na police visibility at pinalawak na Oplan Sita ng PNP na ang tinututukan ay ang mga naka-motorsiklo.
Ani Eleazar ang nangyaring pananambang sa grupo ni Yulo ay hamon sa NCRPO at kinakailangang maresolba ito ng mabilis ng pulisya.