Ang mga mamamayan sa Ilocos ang niligawan ngayong araw ng mga kandidato ng regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Pinangunahan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang campaign rally na idinaos sa Tamag, Vigan City.
Pagkatapos sa Vigan, didiretso naman ang mga kandidato ng HNP sa Laoag City sa Ilocos Norte para sa isa ding sortie.
Ang Ilocos Norte ay balwarte ni administration-backed senatorial candidate Imee Marcos.
Kabilang si Marcos sa 13 senatorial bets na iniindorso ng HNP.
MOST READ
LATEST STORIES