Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naganap ang lindol alas 9:18 ng umaga ng Lunes, Feb. 18.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 404 kilometers southeast ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 73 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

Read more...