Gun replica at mga bala nakumpiska sa Mactan Airport

OTS Photo

Mahigit 50 piraso ng iba’t ibang uri ng mga bala ang nakumpiska sa magkakahiwalay na insidente sa Mactan-Cebu International Airport.

Ayon sa Office for Transportation Security (OTS), ang mga bala at isang gun replica ay nasabat mula sa ilang pasahero sa naturang paliparan.

Kabilang sa nakumpiska ang mga sumusunod:

– Isang 6MM airsoft gun
– Isang bala para sa 9mm caliber na bitbit ng isang US Citizen na pasahero
– Isang bala para sa 45 caliber na dala ng pasaherong retired general
– 42 piraso ng bala para sa 40 caliber na nasa bagahe ng isang hukom
– Isang bala ng M16 na bitbit naman ng pasaherong estudyante
– 5 piraso ng bala para sa 22 caliber
– at 5 piraso ng bala para sa 38 caliber

Ayon sa OTS, lahat ng mga bala at ang baril ay kinumpiska ng mga otoridad sa paliparan.

Matapos ang imbestigasyon ay napayagan din naman ang mga pasahero na makasakay sa kanilang flights.

Read more...