Nagbabala si House Committee on Appropriations chairman at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na mas lalo pang lala ang korapsyon at mas mababang kalidad ng infrastructure project ng gobyerno sa sandaling igiit ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang cash-based budgeting system.
Ayon kay Andaya, dapat na ibasura na ni Diokno ang cash-based budgeting system sa ilalim ng panukalang P3.757 trillion national budget dahil sa lilimitahin nito ang appropriations, bidding, completion ng proyekto at bayad sa loob ng isang taon.
Giit ng kongresista sa halip na labanan ang korupsyon, lalong titindi at lalaganap ito dahi sa cash based budgeting system ni Diokno dahil mag-iinstitutionalize umano ito ng korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil ang magbebenepisyo umano nito ay ang mallit na suppliers at contractors ng kalhim.
Sa halip dapat umanong i-adopt ang kasalukuyang obligation-based budgeting system na inaprubahan ng kongreso.
Sa ilalim ng obligation based budgeting, maipapamahagi ng gobyerno ang pondo sa loob ng dalawang taon para matapos ang mga proyekto.
Maging si dating DPWH Sec Rogelio Singson ay nagsabi sa pamamagitan ng liham noong Enero 25,2019 na mariin niyang tinutulang ang implementasyon ng isang taong cash budgeting para sa capital outlay dahil manghihikayat laman gito ng korupsyon sa mga kontrata ng gobyerno.