Nanawagan ng panalangin si Pope Francis para sa magaganap na sex abuse summit sa Vatican ngayong linggo.
Ipinatawag ng Santo Papa ang mga presidente ng mga kapulungan ng mga obispo sa bawat bansa para talakayin ang ilang dekada nang isyu ng pang-aabuso ng ilang mga pari at obispo.
Sa kanyang mensahe sa Sunday Angelus kahapon, sinabi ng lider ng Simbahang Katolika na ang sex abuse scandal ay isang pagsubok na dapat nang harapin.
Ang ‘Summit on the Protection of Minors’ ay magaganap mula araw ng Huwebes, Feb.21 at tatagal hanggang Linggo, Feb. 24.
Ang pulong ay tatalakay sa ilang tema tulad ng pananagagutan at katapatan ng mga obispo.
Magbibigay din ng testimonya ang mga biktima ng pang-aabuso, at magkakaroon ng banal na Misa at penintential liturgy.
Magaganap ang summit ilang araw lamang matapos ianunsyo ang pagkakatanggal ng Vatican kay dating Cardinal Theodore McCarrick.
Hinatulan ng guilty si McCarrik sa ‘solicitation in the Sacrament of Confession’ at ‘sins against the Sixth Commandment with minors and with adults, with the aggravating factor of the abuse of power.’