Presyo ng petrolyo tataas simula bukas, Feb. 19

Inanunsyo na ng ilang kumpanya ng langis ang halaga ng itataas ng kanilang mga produkto simula bukas, February 19.

Sa abiso ng Shell, PTT, at Petro Gazz, may dagdag na tig-P0.70 ang kada litro ng kanilang gasolina at diesel.

Ang gaas ng Shell ay tataas din ng P0.35 centavos bawat litro.

Ayon sa tatlong kumpanya, epektibo na ang kanilang price hike simula alas-6:00 ng umaga bukas.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang price adjustments ang iba pang oil companies.

Ang panibagong oil price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo sa world market.

Read more...