Ito ay matapos talunin ng Lady Spikers ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa kanilang sagupaan kahapon sa iskor na 25-14, 25-17, 16-25, 25-19.
Nais ng La Salle na masungkit ang ikaapat nilang sunod na kampeonato.
Ayon kay La Salle head coach Ramil de Jesus, hindi madaling kalaban ang Ateneo at first game pa lamang ito.
Naging pabor lamang anya siguro ang lahat ng sitwasyon kaya sila ang nanalo.
Pinangunahan ni Desiree Cheng ang Lady Spikers sa kanyang 13 puntos habang nakadagdag naman si Aduke Ogunsanya ng 10 puntos.
Si Kat Tolentino naman ang nanguna para sa Lady Eagles sa kanyang 16 puntos.
MOST READ
LATEST STORIES