MMDA, nilinaw na hindi pa bukas sa publiko ang footbridge sa QC na may cable wires

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa bukas sa publiko ang isang footbridge na nakita sa isang viral video sa social media.

Makikita kasi sa video ang cable wires sa gitna ng footbridge sa bahagi ng Congressional Avenue sa Quezon City.

Sa isang panayam, iginiit ni MMDA General Manager Jojo Garcia na mayroong malaking signage at harang sa mismong footbridge.

Posible aniyang tinanggal ng kumuha ng video ang harang para dumaan at kunan ito ng video.

Sa ngayon, umabot na mahigit 15,000 shares at 1 million views ang naturang video sa Facebook.

Sinabi ni Garcia na inaalam na ng engineers ng MMDA kung sino ang may-ari ng cable wires sa footbridge.

Binigyan din ng MMDA ang may-ari ng cable wires ng hanggang sa araw ng Huwebes para alisin ito.

Read more...