Dumating na ang heart relic ng Saint Camillus De Lellis sa Baguio Cathedral, araw ng Linggo.
Si St.Camillus De Lellis ay santo ng mga may sakit, doktor at nurse.
Agad nailagay ang heart relic sa loob ng isang salamin makaraang masawi taong 1648.
Pinahintulutan ng Vatican na maikot ang heart relic sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para sa mga deboto ng santo.
Samantala, umaasa si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) executive secretary Fr. Dan Cancino na makamit ng mga Filipino ang kapayapaan at self-restoration sa pamamagitan ng kanilang debosyon sa relic at pananampalataya sa Diyos.
Magdaraos ng special mass sa Baguio Cathedral bandang 8:00, Linggo ng gabi at maaring bisitahin ng mga deboto ang relic hanggang 12:00 ng madaling-araw.
Susundan ito ng isa pang misa sa araw ng Lunes dakong 9:00 ng umaga bago dalhin sa Maynila.
Dadalhin din ang relic sa Bicol, Visayas, Panay Island at Mindanao sa mga susunod na linggo hanggang March 31.