Mas kaunti ang drug users dahil pinapatay nang walang due process – Trillanes

Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na mas kaunti ang mga drug user dahil napapatay ang mga ito nang walang due process.

Ito ang naging pahayag ng senador matapos lumabas na 66 porsyento ng mga Filipino ang tiwalang bumaba ang bilang ng drug user batay sa Social Weather Station (SWS) survey.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Trillanes na libu-libo ang napapatay nang walang due process.

Hindi rin aniya nabibigyan ng oportunidad ang mga drug user na makapasok sa mga drug rehabilitation facility.

Kinuwestiyon pa ni Trillanes ang pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ang naturang survey ang indikasyon na matagumpay ang kampanya kontra sa ilegal na droga.

Read more...