Nagwagi si Brooklyn Nets guard Joe Harris sa 3-Point Contest na bahagi ng All-Star Saturday Night.
Naipasok ni Harris ang siyam na sunud-sunod na 3 points sa pangalawa at pangatlong rack kasama pa ang moneyball rack.
Dahil dito, nakapagtala si Harris ng 26 points para makamit ang kampeonato sa 3-point shootout.
Natalo ni Harris sa contest ang dating kampeon na si Golden State Warrios guard Stephen Curry at Sacramento Kings guard Buddy Hield.
Ginanap ang All-Start Saturday Night sa Spectrum Center sa North Carolina, USA.
MOST READ
LATEST STORIES