Magnitude 4.1 na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Surigao Del Norte, Linggo ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 38 kilometers Southeast ng General Luna dakong 1:22 ng hapon.

May lalim itong 12 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...