2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa EDSA

PDI PHOTO / RICHARD A. REYES

(Updated) Dalawa ang patay habang isa ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa EDSA malapit sa Reliance Street sa Mandaluyong City, Linggo ng hapon.

Sa panayam ng Inquirer.net, sinabi ni Sr. Supt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong City Police Station, pinagbabaril ng riding-in-tandem ang puting Toyota HiAce van na plakanga NOS 361 sa kanang bahagi ng likurang parte ng sasakyan.

Naganap ang pamamaril dakong 3:08 ng hapon.

Dinala ang mga biktima sa VRP Medical Center para mabigyan ng lunas.

Ayon kay Villaceran, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jose Ruiz Yulo, 62-anyos na negosyante mula sa Alabang at ang drayber na si Allan Nomer Santos, 51-anyos.

Nakaligtas naman ang babaeng pasahero na si Esmeralda Ignacio, 38-anyos at nakatira sa Las Piñas.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaril.

Read more...