Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na ang unang inilabas na listahan ng lumabag sa campaign posters ay mga kandidatong nakatira lamang sa Metro Manila.
Inilabas ni Guanzon ang naturang listahan sa kaniyang Twitter account noong Biyernes (February 15).
Sa isang panayam, sinabi ni Guazon na ang mga kandidatong kabilang sa listahan ay mga nakatira lamang sa National Capital Region (NCR).
Nagpadala aniya ng notice ang mga election officer sa kanila sa Metro Manila ukol sa illegal posters.
Binabanggit kasi ng mga kandidato ang ilang lumabag sa labas ng Metro Manila.
Ayon kay Guanzon, pupuntahan din ang mga kandidato sa labas ng Metro Manila at magpapadala rin ng notice ukol sa illegal campaign materials.
Maaaring magdikit ng campaign materials ang mga kandidato sa mga pampublikong pamilihan at park habang hindi naman itinuturing na common poster area ang mga footbridge, puno at poste ng kuryente.