Dua Lipa nagpaabot ng pagbati kay Anne Curtis

Screengrab from It’s Showtime

Walang mapaglagyan ang kasiyahan ni Anne Curtis kasabay ng selebrasyon ng kanyang ika-34 na kaarawan ngayong araw ng Linggo.

Ito ay matapos makatanggap ng surprise video greeting ang aktres mula sa kanyang idolo na British pop star na si Dua Lipa.

Ipinakita ang video matapos ang kanyang birthday performance kahapon sa Showtime kung saan kanyang sinayaw at inawit ang mga kanta ng Blackpink at ni Dua Lipa.

Sa video, sinabi ni Dua Lipa na umaasa siyang makita si Curtis sa hinaharap.

Nagtatatalon si Curtis at lubos ang pasasalamat sa pagbati ng popstar.

Giit nito, lubos ang kanyang kasiyahang nararamdaman dahil kamakailan ay nagkaroon siya ng tyansang magkaroon ng personal encounter sa Blackpink at ngayon naman ay binati siya ni Dua Lipa.

Ayon kay Curtis, ito na ang kanyang “best birthday ever.”

Read more...