Nakatakda nang mailimbag ang kauna-unahang libro ni Pope Francis sa January 12.
May titulong “The Name of God is Mercy”. ang nasabing libro na ilalathala sa mga wikang English, Spanish, Portuguese, German, French at Italian.
Ilalathala ang librong ito ng 17 publishers sa 84 na bansa.
Inilabas ng Italian publishing house ni Pope Francis ang larawan ng cover ng nasabing libro na may simpleng design.
Ito ay kulay puti na may nakalagay na imahe ng Vatican coat of arms na katabi ng pangalan ni Pope Francis in capital letters.
Ang title naman ay kulay pulang sulat kamay ng Santo Papa.
Nakatakda nang tumungo si Pope Francis sa Africa para sa pinaka-delikadong biyahe niya sa kabila ng mga pag-atake ng mga terorista na nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.
Layon ni Pope na isulong ang kapayapaan, hustisya at pagkaka-ayos sa pagitan ng Islam at Kristyanismo sa limang araw niyang biyahe sa Kenya, Uganda at Central African Republic.