Mas mapapaaga ang inaasahang paglabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Marilyn.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sa PAGASA, imbis na Huwebes ng umaga, inaasahan na itong lumabas ng PAR ng Miyerkules ng umaga.
Miyerkules ng gabi kasi ay inaasahang nasa 1,515 kilometro Silangan ng Itbayat, Batanes sa labas ng PAR na ito.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa 1,360 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan.
Ito ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour, at pagbugso na aabot sa 140 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-silangan sa bilis na 11 kilometers per hour.
Wala namang itinaas na Public Storm Warning Signal ang PAGASA, pero pinapayuhan pa rin ang publiko at mga kaukulang disaster councils na antabayanan ang mga susunod pa nilang weather bulletin.