Umabot na sa 744 ang nasawi sa Sindh Province sa Pakistan dahil sa nararanasang heatwave doon.
Sa Report ng Inquirer.net, puno na ang mga ospital at mga morgue dahil sa dami ng mga nasawi.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Karachi, na pinakamalaking lungsod at itinuturing na commercial hub sa Pakistan.
Ayon sa report, umaabot sa 45 degrees Celsius ang temperatura sa Karachi nitong nagdaang weekend. Nakaranas pa ng ilang oras na power outages kaya hindi napagana ang mga air conditioners.
Naapektuhan din ng kawalan ng kuryente ang water supply sa Karachi. Ang ilang residente kahit mahal ang bayad ay nagpadeliver at nagbayad ng tubig mula sa mga nagsusuplay na tankers.
Sinabi ni Saeed Mangnejo, top administrative health official sa Sindh, umabot na sa 622 ang nasawi, pinakamarami ditto ay mula sa Karachi habang ang 19 ay mula sa ibang bahagi ng lalawigan.
Karamihan sa mga nasawi ay may edad na habang libo-libo pa ang ginagamot sa mga heat-related diseases gaya ng lagnat at dehydration.- Dona Dominguez-Cargullo/Jong Manlapaz