Binatilyo, arestado sa buy bust sa Cebu City

Credit: Cebu City Police Office

Arestado ang isang 19 anyos na lalaki sa buy bust operation sa Barangay Labangon, Cebu City.

Ayon kay Chief Insp. Keith Andaya, hepe ng Labangon Police Precinct, isang buwan na nilang minomonitor si Jonel Engreso, residente ng Barangay Tejero at bagong pangalan sa kalakalan ng droga sa Labangon.

Nahulihan si Engreso ng 55 gramo ng hinihinalang shabu sa anti-drug operation sa A. Lopez Street.

Sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board, ang nakumpiskang droga sa suspek ay nagkakahalaga ng P374,000.

Bukod kay Engreso hinuli rin si Jan Jan Dela Torre sa buy bust operation.

Sinabi ni Andaya na pabata ng pabata ang mga high value targets dahil mas matapang ang mga ito at desperadong punan ang papel ng mga napatay na tulak ng droga.

Nakakulong na ngayon sina Engreso at Dela Torre sa Labangon Police Precinct detention cell habang hinahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Read more...