Patunay ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na tama ang pamahalaan sa ginagawa nitong kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.
Sinabi ni Panelo na bagaman binabatikos ng kanyang mga kritiko ay determinado ang pangulo na ituloy ang kanyang war on drugs.
Ito ay bilang pagtalima sa kanyang pangako noong eleksyon na pipilitin niyang durugin ang mga sindikato ng droga sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ang nasabing survey ay ginawa ng SWS sa pagitan ng December 16 hanggang 19 taong 2018.
Tinanong SWS ang kanilang 1,800 sa nationwide survey sa kung tingin nila ay nabawasan ang mag gumagamit ng droga sa kanilang lugar.
Sinabi pa ni Panelo na hindi lamang sa bansa kundi maging sa abroad ay umani ng approval sa ilang world leaders ang anti-drug campaign ng pamahalaan.