2 notorious na kriminal sa Zamboanga Peninsula huli ng PNP

Arestado ang dalawang most wanted sa Zamboanga Peninsula kahapon, Febuary 15.

Ayon kay Chief Superintendent director ng Police Regional Office-Zamboanga Peninsula na si Emmanuel Luis Licup, kinilala ang mga suspek na sina Delfin Lagare alias ‘Boy’, 56 at si Karen Bandico, 20anyos.

Si Lagare at Bandico ay nasa listahan ng nine most wanted person sa Malangas, Zamboanga Sibugay at Liloy, Zambonaga del Norte.

Naaresto si Lagare sa sinagawang manhunt operation dakong alas-10:00 ng umaga sa Purok 5 sa Guilawa Village, bayan ng Malangas, lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Samantala si Bandico ay naaresto dakong 6:45 ng gabi noong huwebes sa San Jose vilage, bayan ng Liloy sa Zamboanga Del Norte.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong pagnanakaw.

Si Bandico ay hinainan din ng violation of Republic Act 9344 o kilala bilang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na bingay ng korte sa Dipolog City.

Read more...