2 drug suspek patay sa barilan sa Bulacan

Nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Barangay Kaybanban sa San Jose del Monte Bulacan.

Napatay ang dalawang drug suspek na kinilalang sina Jose Mendoza alyas Pong at isang Alyas Archie.

Ayon kay Superintendent Orlando Castil, hepe ng San Jose Del Monte police, unang nagpaputok ng baril ang mga suspek makaraang makatunog na pulis ang kanilang transaksyon.

Nakuha sa mga ito ang dalawa kalibre .38 na baril, droga, at marked money.

Read more...