Trump: US-Mexico border is a national emergency issue

AP

Nagdeklara si President Donald Trump ng national emergency na naglalayong mapondohan ang nais nitong maipatayong US-Mexico border kahit walang pag-apruba ng kanilang kongreso.

Kasabay nito ang paglagda ni Trump sa bipartisan government spending bill para naman maiwasan ang panibagong partial government shutdown.

Matapos ang deklarasyon, inamin ni Trump na alam niya na maaaring maharap siya sa asunto pero handa naman aniya ang kanyang administrasyon.

“I expect to be sued. I shouldn’t be sued … We’ll win in the Supreme Court,” ani Trump.

Pero ilang oras matapos ang deklarasyon ay agad na naghayag ng pagtutol ang miyembro ng Democrats sa kanilang Judiciary Committee ng U.S. House of Representatives.

Sa liham ni Committee Chairman Herrold Nadler, nangako sila magsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing deklarasyon.

Binigyang diin pani Nadler na ang naging pasya ng pangulo ay paglabag sa kanilang saligang batas at sa “separation of powers.”

Humihingi si Trump ng $5.7 Billion para sa naturang proyekto pero tinutulan ito ng mga Democrats.

Ang pagtatayo ng border wall ay nauna nang ipinangako ni Trump noong siya ay nangangampanya pa lamang noong 2016 na naglalayonna pigilan ang pagbuhos ng mga illegal immigrants sa Amerika.

Read more...