Walk for Life 2019 umaarangkada na

CBCP News

Nagsimula na ang Walk for Life sa Quezon City Memorial Circle.

Ang aktibidad na ito na inorganisa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay layong ipinawagan ang pagprotekta at pagsulong sa dignidad at kahalagahan ng buhay.

Ang Walk for Life ay nagsimula alas-4:00 ng madaling araw at tatagal hanggang mamayang alas-8:00 ng umaga.

Pinangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagtitipon at isang concelebrated mass ang isasagawa.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang Walk for Life ay isang paraan para maiparating ang hinaing laban sa karahasan at ipakita ang suporta sa pagprotekta sa buhay.

Giit ni David, bawat buhay ng tao ay sagrado at may dignidad.

Libu-libong katao ang dumalo sa aktibidad noong mga nagdaang taon.

Bukod sa Quezon City, mayroon ding Walk of Life sa Tarlac City, Dagupan City, Cebu, Palo, at sa Mindanao.

Read more...