Lumobo ang gagastusin para sa opening at closing ceremonies ng 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Toshiro Muto, chief executive ng Tokyo Olympic Games papalo na sa 13 billion yen ($118 million) ang magagastos para sa palaro.
Sa unang pagtaya ng Tokyo nang mai-award sa kanila ang palaro nong 2013, papalo lamang dapat ang gagastusin sa 9.1 billion yen ($82 million).
Sa kabila ng paglobo ng gastos, hindi naman umano mababago ang 600 billion-yen operating budget na privately funded.
Tiniyak din ni Muto na may nakareserbang pondo para sa mga dagdag na gastusin.
Sa kabuuan, gagastos ng higit-kumulang $20 billion ang Japan para sa Olympics.
Hindi kasama ang operating budget, ang pondo ay mula sa national, city at regional governments.
Ang renoiwned actor na si Mansai Nomura ang chief creative director para sa opening and closing ceremonies ng Olympics.