Miyembro ng drug syndicate patay sa operasyon sa Laguna

Nasawi ang isang hinihinalang miyembro ng drug syndicate sa operasyon ng mga pulis sa San Pablo, Laguna, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Laguna police director Sr. Supt. Eleazar Matta, kinilala ang suspek na si Gilbert Flores, 47 anyos at isang high value target.

Nagkasa ng buy bust operation ang pulisya laban kay Flores at kasamahan nito na nakilalang si Redentor Vergara.

Si Flores ay miyembro ng notoryus na Amante Drug Group na nasa likod ng distribusyon ng iligal na droga sa third district ng Laguna.

Ayon kay Matta, sa kasagsagan ng operasyon ay nagpaputok ng baril ang mga suspek dahilan para mauwi ito sa engkwentro.

Nakatakas naman si Flores at patuloy itong pinaghahanap ng mga pulis.

Read more...