Panelo hindi magugulat kung magiging presidente si Inday Sara

Hindi umano magugulat si Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio ang magiging susunod na pangulo ng bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, tinanong si Panelo kung saan nakakuha ng pondo ang alkalde para sa nationwide caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ayon kay Panelo, maraming taga-hanga si Inday Sara kaya’t hindi mahirap para rito na makalikom ng suporta at pondo.

Anya pa, mayroong pagkilos na nais gawing susunod na presidente si Duterte-Carpio.

Giit ni Panelo, nakikita ng marami kay Sara ang karakter ng kanyang ama na magaling, matalino at matapang.

Nauna nang sinabi ni Sara nitong nagdaang linggo na malayo pa ang 2022 para pag-isipan ang pagtakbo sa pagkapangulo.

Read more...