M3.9 na lindol tumama sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental kaninang alas-12:20 ng hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 64 kilometro Timog-Silangan ng Tarragona.

May lalim ang lindol na 45 kilometro at tectonic ang dahilan nito.

Naitala ang instrumental instensity I sa Gingoog City at Tupi, South Cotabato.

Hindi naman inaasahang nagdulot ito ng pinsala sa mga ari-arian at hindi rin inaasahang mayroon pang mga kasunod na pagyanig o aftershocks.

Read more...