30 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Parañaque City

FB Photo: Brgy. Moonwalk
Nawalan ng tirahan ang 30 pamilya matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Parañaque City, Biyernes ng hapon.

Ayon kay Fire Officer 1 Miyuki Tuto, 15 kabahayan ang tinupok ng apoy sa bahagi ng Purok 7 Riverside, Barangay Moonwalk.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog dakong 1:31 ng hapon.

Idineklara naman itong fire under control matapos ang 30 minuto.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang naging sanhi at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.

Read more...