WATCH: Black Friday protest isinagawa bilang pagkondena sa media harrassment

Kuha ni Isa Umali

Iba’t ibang grupo ang nagtipun-tipon para sa isang Black Friday Protest kaugnay sa media harrassment sa ating bansa.

Isa sa mga protesta ay ginawa sa Don Alejandro Roces Park, sa Quezon City.

Kabilang sa mga dumating ay mga miyembro ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP, LODI, Bayan, Bayan Muna, ACT Teachers at iba pa.

Personal na dumalo sa rally si Rappler CEO Maria Ressa, na kamakailan ay naaresto dahil sa kasong cyber libel, at mga reporter at staff ng media entity.

Giit ng mga nagprotesta, dapat nang ibasura ang cyber libel na nagagamit umano para i-harrass o takutin ang mga mamamahayag.

Kinalampag din nila na itigil na administrasyong Duterte ang anumang uri ng pag-atake sa mga kagawad ng media, na may mga karapatan din dahil sila’y tax payers din.

Read more...