Comelec naglabas ng guidelines sa pangangampanya gamit ang social media

Nagpalabas ng alituntunin ang Commission on Elections (Comelec) para sa paggamit ng social media ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya.

Sa inilabas na Comelec Reso No. 10488 o Guidelines for Social Media campaign, inilatag ng Comelec ang mga alituntunin na dapat sundin ng mga kandidatong gumagamit ng social media sa kanilang kampanya.

Ayon sa Comelec, ang social media ay itiuturing na ngayong bahagi ng mass media at ang mga post sa social media ay bahagi na ng lawful election propaganda.

Nakasaad sa guidelines na bawal na ang pagpapakita o pagpapalabas sa anumang social media network ng pelikula, documentary o kahalintulad na uri na tumatalakay sa buhay o biography ng isang kandidato.

Ang mga ahensya na may online political advertisements ay obligadong magsumite ng reports at kopya ng kanilang advertising contracts gaya ng isinusumite ng mass media entities.

Nakasaad din sa alituntunin na bahagi na ng election campaign o partisan political activity ang paggamit ng social media platform, paggamit sa groups o community pages para sa pangangampanya.

Ang mga kandidato at partido ay kailangang irehistro sa Education and Information Department ng Comelec ang website name at web address ng kanilang official Blog o social media page na ginagamit.

Magugunitang gamit na gamit ngayon ng mga kandidato para sa 2019 elections ang social media gaya ng Twitter, Facebook at Instagram sa pagpapakilala sa publiko.

Read more...