WATCH: Infomercial sa kampanya kontra tigdas ng DOH tampok si Sen. Manny Pacquiao

Inilabas na ng Department of Health o DOH ang video ng kanilang public service announcement kaugnay sa tigdas.

Tampok sa video si Health Secretary Francisco Duque III at Senador Manny Pacquiao.

Sa video, sinabi ni Pacquiao na “sa boxing ay sagot ko kayo. Pero sa laban sa tigdas, dapat magkasama tayo.”

Apela naman kay Duque sa mga magulang, “pabakunahan ang mga anak.”

Abangan aniya ang mga bakunador, dahil ang pagpapabakuna ay ang pinakamabisang paraan kontra sa tigdas.

Sa bandang huli, sinabi nila na “knockout tigdas para lahat tayo ay ligtas.”

May hiwalay pang video na ilalabas kung saan tampok mismo si Pangulong Rodrio Duterte.

Read more...