LOOK: Ilang lansangan isasara sa Taytay, Rizal para sa Hamaka Festival Grand Parade

Ilang lansangan ang sarado bukas, araw ng Sabado, February 16 sa Taytay, Rizal.

Ito ay para sa gagawing grand civic parade na bahagi ng Hamaka Festival.

Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Taytay, mula alas 10:00 ng umaga sarado na ang sumusunod na mga lansangan:

– kahabaan ng Rizal Avenue
– Veterans
– Kapalaran
– Lucia Naval
– L. Wood
– Pulumbarit
– Ocampo
– Isagani
– B.A Cruz

Alas 9:00 ng umaga ang assembly time para sa parada at alas 12:00 ng tanghali ang simula nito.

Sa February 18 araw ng Lunes ay deklaradong special non working holiday sa Taytay para sa nasabing festival.

Read more...