Bahagi ng Manila Zoo, nasunog

 

Mula sa wikipedia

(Update) Tinupok ng apoy ang isas sa mga establisimiyento na matatagpuan sa loob ng Manila Zoo kagabi.

Nagsimula ang sunog dakong alas-9:51 ng gabi sa canteen sa loob ng parke.

Umabot sa ikalawang alarma ang naturang sunog.

Dakong alas 10:04 ng gabi, idineklarang fireout ang insidente.

Wala namang iniulat na nasugatan sa naturang insidente at maging ang mga hayop na naninirahan sa zoo ay pawang ligtas lahat.

Unang binuksan ang Manila Zoo noong taong 1969 at naglalaman ng mahigit-kumulang sa isanlibong iba’t-ibang uri ng hayop.

 

 

 

Read more...