Tuluyan nang isinuko ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang panukalang pagbaba sa income tax rate.
Paliwanag ni Belmonte, kapos na sa panahon ang kasalukuyang Kongreso para pagtibayin ang panukala.
Bukod dito, sinabi ni Belmonte na mahirap isulong ang Lower Income Tax Rate Bill, maliban na lamang kung isang daang porsyentong suportado ito ni Pangulong Noynoy Aquino.
Dahil dito, ani Speaker, mas makabubuti kung ipauubaya na lamang sa 17th Congress ang kapalaran ng naturang panukala.
Sa ngayon, sinabi ni Belmonte na itutuon na lamang ng Kamara ang atensyon sa iba pang mga nakabinbin at mahahalagang panukalang batas.
Sa Kamara, ang author ng Lower Income Tax Rate bill ay si Marikina Rep. Miro Quimbo, habang si Senador Sonny Angara naman sa Senado.