Naitalang cash remittances noong Dec. 2018, all-time high ayon sa BSP

Nakapagtala ng all-time high sa rekord ng cash remittances ang Bangko Sentral ng Pilipinas noong December 2018.

Ayon sa BSP, $2.8 billion ang pumasok na cash remittance sa bansa nuong Disyembre.

Para naman sa buong taon ng 2018, tumaas ng 3.1 percent ang cash remittance at umabot sa $28.9 billion.

Ayon kay BSP governor Nestor Espenilla, malaking bahagi ng cash remittances para sa nagdaang taon ay galing sa mga bansang United States, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Germany, at Hong Kong.

Nagtala din ng bagong high record ang personal remittances mula sa mga Filipino na nasa abroad na umabot sa $3.2 billion noong Disyembre, mas mataas ng 3.6 percent kumpara sa naitalang remittance noong December 2017.

Ang full year personal remittances naman ay lumago ng 3 percent at nakapagtala ng $32.2 billion noong 2018. Ito na ang pinakamataas na annual level sa kasaysayan ayon sa BSP.

Read more...