Batay sa JBC, mula sa dalawampung naghain ng kanilang aplikasyon, nasa labingtatlo ay nakapasok sa opisyal na listahan ng mga nominado.
Kabilang sa shortlist ay sina Edgardo delos Santos at Amy Lazaro-Javier na may tig-anim na boto.
May tig-limang boto naman sina Roman Del Rosario, Japar Dimaampao at Ramon Garcia.
Samantala, tig-apat na boto ang nakuha nina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Henri Inting, Jhosep Lopez, Mario Lopez, SC spokesperson Jose Midas Marquez, Eduardo Peralta, Ricardo Rosario at Cesar Villanueva.
Ang shortlist ay isusumite ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makapili siya ng ipapalit sa nabakanteng pwesto ni Suprema Court Chief Justice Lucas Bersamin bilang Associate Justice ng mataas na hukuman.