Capoocan, Leyte niyanig ng manitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Capoocan sa lalawigan ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers Southwest ng bayan ng Capoocan, 12:39 tanghali ng Biyernes, February 15.

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naramdaman ang intensity II sa Capoocan, Leyte.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks.

Read more...