Isinagawa ang survey mula January 26 hanggang 31 gamit ang face-to-face interview kung saan lumitaw na 74.9 percent ang nakuhang voter preference ni Poe.
Marami ring manok ni Pangulong Rodrigo Duterte na kandidato sa pagka-senador ang nakapasok sa top 12 ng survey.
Kabilang dito si re-electionist Sen. Cynthia Villar na nasa 2nd rank ,matapos makakuha ng 60.5 percent voter preference.
Si Taguig Rep. Pia Cayetano ay may 53.3 percent habang si dating senador Lito Lapid ay nakakuha naman 53 percent at nasa third hanggang sixth spot sa ranking.
Si Senator Nancy Binay ay may 50.1 percent na voting preference habang si Senator Sonny Angara ay mayroong 48.8 percent at kapwa nasa third to ninth spot.
Si PDP-Laban bet Senator Koko Pimentel ay nakakuha ng 45.5 percent at nasa fifth hanggang 11th spot.
Nasa sixth to 12th spot naman sina dating SAP Bong Go na may 44.7 percent at dating senador Jinggoy Estrada na nakakuha ng 44.3 percent.
Habang ang opposition bet na si Mar Roxas ay nasa seventh at 14th spot matapos makakuha ng 41.8 percent voter preference.
Si Ilocos Norte Gov. Marcos ay mayroong 41.2 percent at si dating senador Bong Revilla ay nakakuha ng 40.2 percent.