LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw, Feb. 15 dahil sa sama ng panahon

Kanselado ngayong araw ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights 5J 615/616 Manila – Tagbiliran – Manila ng Cebu Pacific sa Terminal 3.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Tagbilaran, Bohol.

Pinayuhan ang mga pasaherong apektado na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebookig ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...