Lalaki, patay sa sunog sa Cebu City

Nasunog ang tatlong bahay sa Sitio 8, Barangay Kamputhaw, Cebu City Biyernes (Feb. 15) ng umaga.

Isa ang nasawi sa nasabing sunog na kinilalang si Alex Sanchez, 51-anyos.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, nagsimula ang apoy sa bahay ni Sanchez at mabilis namang kumalat sa dalawa pang mga kabahayan.

Hinihinala ding sinadya ni Sanchez ang panununog dahil bago sumiklab ang apoy, nagpahiwatig umano ito na ayaw na niyang mabuhay.

Agad ring naapula ang apoy at tinatayang nasa P80,000 ang halaga ng pinsala.

Read more...