Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagmonitor at pagdokumento sa mga bawal na campaign materials ng mga kandidato.
Kabilang dito ang mga poster na wala sa common poster areas at mali ang sukat.
Sa isinagawang monitoring, Biyernes (Feb. 15) ng umaga kabilang sa mga nakita ng Comelec ay mga campaign materias na nasa mga poste ng kuryente, kawad ng kuryente, nasa sidewalks, overpass, at center islands sa Tondo, Maynila.
Marami ring campaign materials na lagpas sa itinakdang sukat na 2×3 feet.
Hinikayat ng Comelec ang publiko na ireport sa kanila ang mga illegal campaign materials sa mga lansangan.
Sa gagawing pagrereport, sinabi ng Comelec na dapat ilagay ng netizens ang klase ng paglabag, lugar kung saan nakita ang election materials, petsa kung kailan kinuhanan ang larawan at gamitin ang #SumbongSaCOMELEC.
Una nang sinabi ng Comelec na mula ngayong araw ay idodokumento na ang mga lumalabag na campaign materials na hudyat na rin sa legal proces laban sa mga kandidato.